Lahat ng tao, iba-iba ang ugali.

Hindi ako nasanay kasi walang nagsanay.

Walang pumupunta sa kwarto ko tuwing gabi para tanungin kung nagtoothbrush na ako o naligo. Mas masaklap pa, walang nagtatanong kung kamusta na yung naging araw ko.

Bakit kelangan mong magalit kapag sinasabi ko. Hindi ba dapat nagtatanong ka, tapos bumabawi sa lahat ng oras na nawala sa atin.

Nung sa SLC, lagi kong sinasabi na hindi kayo pumupunta sa family day kapag kuhaan ng card kasi hindi kayo sanay sa ganun. Pero yung totoo, wala namang pupunta eh. May award man o wala. May honor man o may top.

Bakit hindi ko maiwasang i-compare ko yung sarili ko kay Ate? Ikaw sumagot niyan. Nung High School yun, wala ata tayong namiss na Recognition Day niya. Nung 1st year ako, nung pumasok ako sa top 3, hindi mo man lang naiwan kahit isang oras lang yung mga pamangkin mong bumisita dahil bagong dating ka. Nung lahat ng preparations ginawa mo nung debut ni Ate, samantalang umiiyak lang ako dahil wala akong debut hindi mo man lang maintindihan. Nagagalit ka pa. Masama bang malungkot? Masama bang umiyak dahil hindi ko nakuha yung gusto ko? Nung yung first year college siya, sinusundo pa siya kasi 8pm yung uwi niya. Ako na 9pm yung uwi, ni-text wala akong natanggap. Ni pag-aala wala man lang. Anong dinadatnan ko sa bahay pagkatapos ng nakakapagod na byahe, mga tulog na tao na wala man lang pakialam kung nakakain ka na.

Never kong naisip na nagbabakasyon ka dun at hindi nagtatrabaho. Kailangan ko pa bang ipakita sa’yo na umiyak ako nung nalaman kong nagkasakit ka dun? Na sana andun din ako kasi yung masahe ko lang nakakapagpagaling sa’yo.

Laging mong sinasabi na ako yung hindi appreciative. Sana pala nagbulakbol na lang talaga ako. Sana hindi na ako nag-aim na magkaroon ng mataas na grades. Sana kesa pinang-enroll ko sa UST, nagpagawa na lang ako ng fake ng resibo tapos pumasok sa inuman araw-araw. Para tumama naman yung sinabi mong hindi ako appreciative sa pagtatrabaho mo dun. Sana nga nagdrugs ako o nagshabu o kung ano mang masamang gamot. Siguro ang payat ko nun, hindi ako magiging kasing laki ng elepante o ng aparador tulad ng sinasabi mo. Sana tumatakas na lang pala ako kesa nagpapaalam sa’yo sa lahat ng lakad ko.

Wag kang magalit Ma, dahil hindi lang naman ikaw yung nasaktan at nagsuffer nung umalis ka para mag-abroad. Ang sakit sakit sa akin nun. Para akong namatayan. Na feeling ko hihinto yung mundo ko kasi wala na yung katabi kong maglalambing sa akin gabi-gabi. Yung kasama kong lumabas para kumain sa Jollibee kahit na pang-isang meal lang yung pera niya. Sana ganun na lang uli yung buhay ko. Na gigising ako sa umaga ng hindi mo sinisigawan, tapos may almusal pa akong nakahanda. Papatuyuin yung buhok ko habang nagmemedyas at kumakain. Lagi kong kinukwento kay Chichi yun kasi isa sa mga best memories ko yun kasama ka. Sana yung reason mo na lang kapag nagagalit ka sa akin kapag hindi ako tumitigil kakaiyak kasi ang sakit ng ngipin ko. Sana nga naghirap na lang tayo. Pumasok na lang ako sa public school. Hindi nagBlackberry o nagcomputer o hindi nasanay sa ganitong lifestyle.

Siguro ang galing ko na maglinis no. Siguro ang linis linis ko lagi. Siguro hindi kita sinasagot tuwing nag-aaway man tayo. Siguro nakikipag-usap ako ng mahinahon tulad ng pagsasalita mo at hindi tulad ng kay Papa na kinalakihan ko. Siguro siguro..

Hindi naman natin mababalik yung panahon eh. Hindi mo na mababalik yung nasayang na mga buwan at taon na hindi kita kasama. Na hindi ako nasanay sa kinasanayan mo.

Alam mo anong masakit, nung nagbirthday ako dati tapos dumating akong nakaset up yung lamesa ng colorful na kung ano-ano na inayos mo pero wala naman akong bisita. Wala ka rin nun. Pagdating mo, natanggap ko yung regalo mo. Isang balita. Nakaready na yung flight mo paalis. Yun yung gift mo sa akin nun. Isang masamang regalo.

WordPress for BlackBerry ■ How cool is that? ;)

Advertisements

What can you say?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s